Guidance counselor sa mga paaralan pinaalalahanan ng LGU-Naga na tutukan ang mga estudyanteng may emotional problems

NAGA CITY –Malaki ang papel na ginagampanan ng isang guidance counsellor sa mga kabataaang estudyante na may problema sa pamilya, kaibigan at sa komunidad na kanilang ginagalawan.

Kailangan na mabigyan ng atensyon ng mga guidance counselor sa mga paaralan, dapat laging bukas ang opisina nila sa anumang problema ng mga bata at ng mga magulang.

Ito ang mungkahing inilabas ni City Administrator Elmer Baldemoro bilang reaksyon sa ugali ngayon ng mga kabataang naglalayas kung napapagalitan ng kanilang mga magulang.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Baldemoro, sinabi niyang mahirap ang sitwasyon ng magulang sa ganitong kalagayan na hindi alam kun asan na ang kaniyang anak, kung ano na ang nangyari, kung sino ang kasama nito sa ilang gabing pagkawala.

Mas malawak na pag intindi ang dapat na ibigay ng magulang sa kanilang mga anak, samantalang ang anak naman ay dapat panatilihin ang kababaang loob ,sundin ang sinasabi ng magulang.

Mahalaga ang pag-uusap na bawat pamilya, para malaman kung ano ang saloobin ng bawat isa at hindi na humantong sa paglalayas ng bata ayon pa sa opisyal na namumuno sa Naga City Council for the Welfare and Protection of Children.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *