Guidelines sa Covid-19 admission at quarantine dapat sundin upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng patuloy na pagtaas ng Covid cases

CAMARINES NORTE- Tumaas ang healthcare utilization rate sa ilang mga ospital lalawigan ng Camarines Norte dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.

Kaya naman nagpalabas ng advisory ang Provincial Health Office upang ipaalala sa mga Rural Health Unit at ospital ang guidelines patungkol sa admission at quarantine ng Covid cases.

Batay sa PHO Advisory No 2023-001 na pirmado ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, ang asymptomatic at mild cases ay dapat i- refer sa step down facilities para hindi mapuno ang ospital.

Kamakailan kasi ay na- flagged down ng Department of Health Central Office ang ilang ospital sa lalawigan dahil sa pagtaas ng Covid-19 suspect cases at total beds utilization rate of Covid cases partikular ang  overuse ng hospital beds na nakalaan naman para sa moderate at severe cases.

Ani Francisco para masolusyunan ang pagtaas ng healthcare utilization rate ay dapat ilipat sa step down facilities ang mga hindi naman kailangan ang hospital admission.

Ito umano ay upang ma- accommodate at magamot ang non-covid patients lalo na sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Samantala, may inihanda na rin umanong sulat ang PHO sa mga LGU para paalalahanan ang mga itong bigyan ng imptansiya ang pagsunod sa minimum public health measures at pagppalakas sa vaccination drive.

 “Para masolusyunan ito nagpalabas ako nitong advisory na ito para yung mga mild at saka hindi masyadong severe cases ay pwede nang ilipat doon sa mga mababang pasilidad para ma accommodate at ma- manage yung kanilang mga sakit para hindi na tayo ma- congest, ang ating Provincial Hospital para naman yung mga ibang sakit na pwede dapat gamutin dito sa ating Provincial Hospital ay ma-accommodate at magagamot po,” ani Francisco sa pagharap nito sa local media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *