Guinness record para sa higanteng Rubik’s cube, hawak na ng isang mall sa Hong Kong

Nabasag ng isang mall sa Hong Kong ang Guinness World Record para sa pinakamalaking Rubik’s cube sa buong mundo matapos itong bumuo ng isang higanteng rubik’s cube.

Nakuha ng Nina Mall ang world record dahil sa nalikha nitong Rubik’s cube na may sukat na 2.503 m x 2.505 m x 2.502.

Dahil sa laki nito, kailangan ng maraming tao para magalaw ang mga layers nito.

Ang dating may hawak ng record ay ang likha ng British puzzle maker na si Tony Fisher at may sukat na 6 feet at 7 inches sa bawat kanto. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *