Local News

Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot patuloy na minominotor ng Bantay Familia sa Naga

NAGA CITY – Regular ang ginagawang counseling sa mga Persons Who Use Drugs ng Bantay Familia lalo na ang mga sumasailalim sa After Care Program para tuluyang makalimutan ng mga ito ang pagkalulong sa illegal drugs.

May mga activities na ipinatutupad sina Toti Importante na siyang head ng Naga City Dangerous Drugs Board para sa mga PWUDS kaagapay naman ang Bantay Familia.

Una ng nabanggit ni Importante na may mahigit pang isang libong PWUDS ang nasa After Care Program nila.

Kaugnay nito, inihayag naman ni City Councilor Gilda Gayle Abonal-Gomez, registered Psychologist at siya namang chairman ng Committee on Family and Children sa konseho na may mga assessment silang ginagawa sa mga ito para malaman ang recovery status nila.

Aniya isa ang City Social Welfare and Development Office sa may malaking papel sa recovery program na ginagawa nila sa mga PWUDS.

Tiniyak niya na ang lahat ng mga kailangan ng mga ito ay naibibigay nila,sa pamamagitan na rin ng suporta ng city government.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago