Guro na kinopya ang thesis ng kanyang estudyante, humingi na ng tawad

Nagpublic apology ang isang guro sa isang paaralan sa Southern Mindanao matapos niyang aminin na ginamit niya ang thesis ng kaniyang dating estudyante.

Humingi rin ng paumanhin ang guro sa kanyang dating estudyante na isang AB English graduates.

Ayon sa guro hindi niya binigyang pagkilala ang biktima bilang may-ari ng thesis noong ginamit niya ito.

Sinabi naman ng Department of English Language and Literature ng naturang Unibersidad nalaman lang nila ang isyu matapos na may maghain ng pormal na reklamo.

Hindi na rin itinuloy ng estudyante ang reklamo sa guro dahil humingi na umano ito ng tawad.

Nagkasunod na rin sa isang katangap-tanggap na areglo ang dalawang panig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *