Guro na nagsiwalat ng ‘pasalamat fee’ sa Dep Ed Palawan, hangad pa rin ang hustisya

Positibo ang guro na si Rhodora Aboratigue ng Bato National High School na makakamit niya ang hustisya matapos isiwalat ang umano’y ‘pasalamat fee’ kapalit ng paglipat nya ng ibang paaralan para magturo.

Ayon rito, nagtitiwala siya sa tuloy-tuloy na imbestigasyon ng fact finding team mula sa Dep Ed Central Office na mabibigyan siya ng hustisya sa ginawa sa kanya ni Jister Lunado, Education Program Specialist II sa Division Office ng Dep Ed Palawan.

Si Jister ang inireklamo ni Aboratigue sa Dep Ed Regional Office na nanghingi sa kanya ng P30, 000 kapalit ng pirma ng isang ‘maam’ na pipirma sa request to transfer ng guro sa Dumaran, Palawan noong Enero ngayong taon.

Idinagdag pa ng guro na hindi siya susuko hangga’t hindi  napaparusahan ang may kasalanan at nais niya rin daw humingi ng tulong kay Senador Raffy Tulfo tungkol dito.

Samantala, napag-alaman ni teacher Aboratigue na pumapasok na muli sa Division Office ang kanyang inireklamong tauhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *