Guro, nagbigti sa lungsod ng Masbate

SORSOGON CITY – Natagpuang nakabigti at wala nang buhay ang isang guro sa loob mismo ng kanyang opisina sa paaralan, umaga noong Martes sa Brgy Batuhan ng nasabing lungsod.

Ang 54-anyos na guro ay Head teacher II ng Nicolas Danao Elementary School.

Sa ulat, nakatanggap umano ng tawag mula sa mga barangay officials ang himpilan ng pulisya hinggil sa nasabing insidente.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na dumadaan umano ang biktima sa matinding kapighatian o depresyon kung saan ilang beses na rin itong nagtangkang magpatiwakal.

Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang DepEd School’s Division Office ng Masbate City sa pamilya ng biktima.

Kasabay ng pakikiramay ay nanawagan ang naturang Kagawaran sa publiko na iwasan na sana ang pagtalakay sa insidente dahil ang ‘suicide’ ay isang sensitibong isyu lalo na at kasalukuyang nagdadalamhati ang pamilya ng biktima.

Samantala, kahit walang ‘foul play’ na nakita ang pulisya, ay magpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *