Guwardiya na ilegal na nagpaputok ng baril sa isang paaralan sa Bulacan, arestado

Nahuli na ng San Jose Del Monte City Police Station ang isang guwardiya na sinasabing illegal na nagpaputok ng baril sa Marangal Elementary School.

Kinilala ni PD Bulacan PPO, PCOL Relly Arnedo ang suspek na si Ronald Aquino Reyes.

Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek matapos silang makatanggap ng reklamo dahil sa isinagawa nitong aksyon.

Nakumpiska naman din mula rito ang isan caliber 38 na revolver na walang trademark at serial number.

Kaugnay nito, haharap sa kasong Alarm and Scandal at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *