Pinayagan na ng gobyerno na magbukas ang mga indoor-non contact sports venues sa NCR Plus areas sa 30 percent capacity sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Inanunsyo ngayong araw ni presidential spokesperson Harry Roque na kabilang sa mga pwede nang magbukas muli ay mga gyms, fitness studios, skating rinks, at racket sports courts.
Ayon sa kalihim, papayagang magbukas ang operasyon ng mga nasabing sports facilities basta’t mayroong Safety Seal Certification ang mga ito mula sa Department of Trade and Industry.
Mababatid na sarado ang mga gyms mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus — Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at modified ECQ protocol simula March 27 dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases.
Kaugnay nito, pinayagan na rin ng pamahalaan ang reopening ng historical sites at museums sa NCR Plus areas sa 20 percent venue capacity basta’t inoobserbahan ang health at safety protocols at aprubado ng lokal na pamahalaan ang muling pagbubukas ng mga ito.
Pero, ipinagbabawal pa rin ang guided tours sa mga historical sites at museums.
Aniya, ginawa ang desisyon sa meeting kahapon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…
Patay ang usa ka driver homan aksidenteng nalatayan sa truck pasado alas 9 kagahapon sa…
Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina Denzel Batocabe at…
CAMARINES NORTE - Inihayag ng Social Security System (SSS) na sinisiguro nito ang compliance sa…