Habagat, patuloy na magpapaulan sa bansa

Asahan na ang maaliwalas na panahon matapos ang sunud-sunod na araw ng mga pag-ulan dulot ng Bagyong Florita.

Tuluyan na kasing lumayo ang naturang sama ng panahon at huling namataan sa layong 905 kilometro kanluran ng extreme Northern Luzon.

Tanging Habagat na lamang ‘o ‘yung Southwest Monsoon ang magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa bansa kabilang na sa western section ng Northern at Central Luzon.

Sa kabila nito, mayroon pa ring tiyansa ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Section naman ng bansa kasama na ang Bicol Region at Eastern Visayas.

Wala naman nang inaasahang sama ng panahon at mamumuong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility hanggang sa weekend.

Kahit na fair weather ang aasahan sa maghapon, huwag pa rin kalilimutang magbaon ng panangga sa ulan dahil mayroon pa ring tiyansa ng mga kalat-kalat na mahihina hanggang sa minsanang malakas na pag-ulan pagdating ng hapon o gabi.

Sa huli, iniulat ng PAGASA na posible ang hanggang sa isa pang bagyo na papasok ng bansa bago magtapos ang buwan ng Agosto.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *