Hakbang na naglalayong gawing self-executory ang mga batas, isinusulong

Ibinahagi ni Senador Francis Tolentino na nagsingit siya ng amendment sa panukalang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act sa ilalim ng Senate Bill No. 2432 na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng mga Senador bago sila mag-adjourn para sa Christmas break.

Ayon kay Tolentino, ito ang unang pagkakataon na gagawing epektibo ang panukalang batas kahit hindi na ito dumaan sa Implementing Rules and Regulations (IRR).

Pagpapaliwanag ni Tolentino, kalimitang nakakagulo lang ang IRR dahil binabago nito ang laman ng batas.

Samantala, umaasa naman ang senador na magiging template na ito ng iba pang mga susunod na batas upang hindi na magsidaan ang mga ito sa 90-day period sa loob ng Executive Branch.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *