Halaga ng pinsala dulot ng landslide sa Benito Soliven, Isabela; umabot na sa 6.2 milyon

Umabot na sa 6.2 milyon pesos ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga kabahayan sa Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela dahil sa pagguho ng lupa.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay May Florence Abu, ang OIC Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) ng Benito Soliven, batay sa isinagawang inisyal na assessment ng engineering office ay nagkakahalaga ng 6.2 milyon ang pinsala ng nasabing landslide.

Aniya, sa 9 na bahay na naitalang totally damage ay hindi na papayagan pang makabalik ang mga nagmamay-ari nito upang maiwasan ang casualty na sinang-ayunan naman ng mga residente.

Ayon pa kay MDRRMO Abu, mamimigay umano ang LGU Benito Soliven ng lupa at assistance na gagastusin ng mga apektadong residente para sa agarang pagpapatayo ng kanilang bahay.

Sa ngayon aniya, umabot na sa 23 na pamilya ang nasa temporary shelter at evacuation center ng bayan dahil inilipat din ang mga residenteng malapit sa pinangyarihan ng insidente na maaaring maapektuhan kung magkakaroon muli ng landslide.

Tiniyak naman ni MDRRMO Abu na magbibigay ng assistance at magkakaroon ng long term plan ang LGU Benito Soliven sa mga apektadong residente upang agarang makaahon sa naranasang kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *