Halaga ng pinsala ng forest fires sa CAR at Iloilo, sumasailalim pa sa validation

Sumasailalim pa sa validation ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at mga lokal na pamahalaan ang halaga ng pinsala ng forest fires sa Cordillera Administrative Region at Iloilo.

Ayon kay Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno., naitala ang forest fires sa Mountain Provinces partikular ang Benguet, sa Baguio City at Iloilo nitong buwan ng Pebrero.

Sa kabila ng mga naiulat na sunog sa kagubatan, walang naiulat na nasawi dahil sa insidente.

Sinabi pa ng opisyal na habang patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng wildfires, nanawagan ang ahensiya sa publiko lalo na ngayong Fire Prevention Month na sundin ang mga nararapat hakbang upang maiwasan ang ganitong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *