Halaga ng pinsala sa nasunog na simbahan sa Ilagan City, aabot sa P35-40 Million

Inihayag ni BFP Ilagan City Fire Marshal FCINSP Franklin Tabingo na nasa proseso na sila ng kanilang progress report para sa isusumiteng final investigation report kaugnay sa pagkakasunog ng simbahan ng parokya ng Saint Ferdinand noong April 22, 2024 .

Base sa kanilang imbestigasyon at kuha ng CCTV, lumalabas na hindi sinadya ang nasabing insidente.

Sa kuha ng CCTV, 11:31 am ay bumaba ang mga trabahador upang kumain habang alas 11:47 may nag spark sa bubong ng simbahan na kasalukuyang inaayos ng araw na iyon at sinundan ng pagbagsak ng dalawang plywood sa oras na 11:49.

Hindi agad nakita ang tumilamsik na apoy dahil na rin sa sobrang liwanag at naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa mga kagamitan na yari sa kahoy na nasa loob ng simbahan.

Dagdag pa ni FCINSP Tabingo sa naging panayam ng Brigada News Team, base sa kanilang pagtaya ay umaabot sa 35 hanggang 40 milyong piso ang halaga ng nasunog na simbahan dahil sa mga antigong gamit na nasa loob nito.

Sa isinagawang pagsusuri ng Department of Public Works and Highway at Engineering office ng siyudad sa structural integrity ng simbahan, nasa 20-30 percent na lamang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *