Halaman, humihiyaw din sa tuwing nasasaktan ayon sa pag-aaral

Kalimitan sa mga tao, tuwing nasasaktan, umaaray, humihiyaw o umiiyak.

Nunit, alam mo ba na habang pinipitas, pinuputol at nasusugutan ang isang halaman ay sumisigaw din ito na mistulang nasasaktan?

Isang kamangha-manghang pag-aaral kasi ang isinagawa ng mga scientist at sa tulong ng mga mananaliksik mula sa MIT at Harvard kamakailan patungkol sa mga halaman.

Kapansin-pansin noong ito’y inuusisa, naglalabas ang mga ito ng ultrasonic clicks sa tuwing ito ay stress dulot ng mga pagputol o kapag nasusugatan.

Sa pamamagitan ng machine learning at ultrasonic microphones, natukoy ng mga mananaliksik na talagang mayroon itong inilalabas na tunog na umaabot ng 40 to 80 kilohertz kung ihahalintulad sa human conversation na higit sa pangkaraniwang pandinig ng tao na 16 kiloherts.

Ang makabagong pamamaraan na ito ay nagbubukas nan g isang posibilidad sa isang masustansiyang agrikultura sa pamamagitan ng pagsusuri sa “ingay” ng bawat halaman.

Sumakatuwid, ang pangyayaring ito’y naglalahad ng mas malalim na pag-unawa sa wika ng kalikasan at ang nakatagong mga sikreto mula sa mga inaakala nating tahimik na nilalang at nakakasama natin sa mundong ibabaw.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *