Nilagdaan na ang P17.9 bilyong kontrata sa pagitan ng Miru System at Commission on Elections para sa full automation system sa 2025 midterm elections.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2022/09/ADV_CITRUPLUS__GENERIC-1024x1024.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Pinangunahan ni Comelec chairman George Garcia at ang kinatawan ng Miru sa paglagda sa 17.9 bilyon pesos na kasunduan.
Ang kumpanyang Miru ang magsu-supply ng mga makina at teknolohiya na gagamitin para sa halalan.
Kabilang dito ang counting machine, ballot boxes, laptops, at iba pa.