Halos 1k libong pulis, na-dismiss sa PNP mula nang pumasok ang admin

Halos isang libong pulis ang nadimiss sa PNP service sa mahigit dalawa at kalahating taon ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa inilabas na record ng PNP, sa 985 na bilang ng mga nasibak sa serbisyo mula July 1, 2022 hanggang Jan 3, 2024, 65 ang positibo sa paggamit ng iligal na droga habang ang 43 naman ay dawit sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot.

230 namang pulis ang na-demote kung saan 10 sa mga ito ay bumaba ang ranggo dahil parin sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

1701 na nasuspinde, 694 ang reprimanded
230 ang demoted, 134 ang pinatawan ng forfeiture of salary , 109 ang na-withold ang mga prebilehiyo habang 79 ang isinailalaim naman sa restrictions.

Kung susumahin, nasa 3,932 mga pulis ang naparusahan na ng liderato ng PNP sa administrasyon pa lamang ni Pangulong Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *