Halos 20,000 doses ng Covid-19 vaccines, dumating sa SoCot

KORONADAL CITY — NASA 19, 744 doses ng Sinovac at AstraZeneca Covid-19 vaccine ang dumating sa South Cotabato kahapon.

Ito ang pinaka-bagong delivery ng mga bakuna mula sa Department of Health o DOH-12 na kinabibilangan ng 10,000 doses ng CoronaVac ng Sinovac bilang first shot para sa mga natitirang frontline healthcare workers o A1, senior citizens o A2 at adults with comorbidities o A3.

Mula sa nasabing alokasyon, tig-850 doses sa mga ito ay mapupunta sa mga bayan ng Tupi, Tampakan at Lake Sebu habang tig-1,700 doses naman sa Polomolok at Koronadal at 4,050 doses ang paghahatian ng mga natitirang local government units.

Kasama din sa naturang batch ang 2nd dose ng bakuna na kinabibilangan ng 2,500 doses ng Sinovac para sa A1 hanggang A3 priority groups at 4,122 doses ng AstraZeneca kung saan 77 vials nito ay inilaan sa ilalim ng Tutok A2 initiative, 100 vials para sa Koronadal, 251 vials para sa mga personnel ng PNP at national government agencies at 43 vials para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na na-assign sa bayan ng Tupi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *