Pipilitin ng Local Vaccination Operations Center o LVOC ng Olongapo na mabakunahan kontra corona virus disease ang dalawamput apat na libong indibidwal sa loob ng tatlong araw na pagbabakuna.
Ito ay kahit pa masyadong mataas ang bilang na walong libo kada araw kung ikukumpara sa mahigit 4-thousand na nababakunahan sa mga ordinaryong araw.
Matatandaan, idineklarang national covid-19 vaccination day o Bayanihan Bakunahan ang November 29, 30 at December 1 para mapataas pa ang bilang ng mga Pilipinong bakunado hanggang sa maabot ang herd immunity.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, gusto ng Department of Health na makapagbakuna ng hindi bababa sa walong libo katao sa bawat araw ang mga LVOC sa bansa kaya pipilitin ng mga vaccinator na maabot ang target.//Christian Andres-BNFM Olongapo