Halos, 300 IPs, napauwi na sa mga probinsya ayon sa DSWD

Nasa halos tatlong daang mga indigenous peoples (IPs) partikular ang mga Sama Bajau ang napauwi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang mga probinsya.

Sa isang panayam, sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay, ang mga napauwing IPs ay pawang taga Zamboanga, Sulu at Basilan na na-rescue sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Punay, nasa mahigit 100 Badjao pa na nasa Jose Fabella Center ang patuloy nilang pinoproseso ang pag-uwi.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy sa pagrescue ang pamahalaan sa mga IPs na nasa lansangan, ito’y upang bukod sa mapauwi ay mabigyan ng pangkabuhayan.

Tatlong linggo nang nagpapatuloy ang programang ito ng DSWD kung saan patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para mapabilis ang pagrescue sa iba pang IPs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *