Halos 5 sa bawat 10 Pilipino, itinuturing ang kanilang mga sarili bilang ‘mahirap’

Halos kalahati ng mga Pilipino itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahirap.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) – lumabas na 48%, ‘o katumbas ng halos lima sa bawat sampung Pilipino ang nire-rate ang kanilang sarili bilang ‘poor’.

25% naman ang nagsasabing hindi sila mahirap; habang 27% naman ang sinasabing sila ay nasa borderline.

Katumbas ito ng 13.2million self-rated poverty at mas mataas sa June 2023 survey ng 3 points mula sa 45%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *