Halos 60 violation tickets inisyu ng PNP HPG sa ginawang operasyon sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Sinita at tiniketan ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang ilang mga motorista sa ginawang operasyon, Biyernes ng umaga, Marso 24 sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Pamorangon sa bayan ng Daet.

Aabot sa halos 60 violation tickets ang inisyu ng HPG katuwang ang local traffic enforcers sa mga motorista na kinakitaan ng mga paglabag.

Karamihan sa inisyu ay Traffic Citations Ticket (TCT) mula sa LGU habang mayroon namang inisyuhan ng tatlong Temporary Operators Permit (TOP).

Tulad ng mga naunang operasyon kadalasang violation pa rin ay ang hindi pagsusuot at paggamit ng unauthorized helmet, walang driver’s license at unregistered.

Mayroon din namang nasita dahil sa paggamit ng open pipe na tambutso.

Ayon sa HPG ang regular na operasyon na kanilang ginagawa ay para na rin sa kaayusan at magkaroon ng disiplina sa kalsada ang mga motorista.

Asahan naman na maliban sa kalsada ay mag- iikot din ang HPG sa mga terminal bilang paghahanda sa Semana Santa.

Maglulunsad rin ito ng Oplan Sumvac bago mag Semana Santa katuwang ang iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *