Halos 70 mga bagong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariants, naitala ng Department of Health

Kinumpirma ng Department of Health na nakapagtala ito ng halos 70 mga kaso ng mas nakahahawang subvariants ng Omicron.

Sa media forum ngayong hapon, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naitala ang 50 mga bagong kaso ng BA.5

38 sa mga ito ay nagmula sa Western Visayas; lima mula sa Metro Manila; habang pito naman ang mga returning overseas Filipino workers.

41 ang tagged as recovered na; apat ang nananatili sa isolation; habang lima ang for verification pa ang status.

Samantala, 11 naman ang mga bagong kaso ng BA.2.12.1; habang mayroong dalawang bagong kaso ng BA.4

Bago ito, una nang kinumpirma ng DoH na mayroon nang local transmisison ng BA.2.12.1 at BA.5 subvariants.

Sa kasalukuyan aniya, sinaib ni Vergeire na hindi pa rin dapat mabahala ang publiko dahil nananatili pa ring mas mababa sa isanglibo ang bilang ng mga severe at critical cases sa bansa.

Ang mahalaga umano ay manatili pa rin sa pagsunod sa mga umiiral na minimum public health standards.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *