Halos 9 sa bawat 10 Pilipino – apektado ng climate change

Malaking mayorya ng mga Pilipino ang naramdaman ang mga epekto ng climate change, na may 87% na nagsasabing personal nilang naranasan ang epekto nito sa loob ng nakaraang tatlong taon.

Ayon ito sa iniulat ng survey firm na Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong December 2023 at may kabuuang 1,200 Filipino adult respondents.

Bumaba ito ng pitong puntos kumpara sa October 2023 survey.

Kabilang sa malalakas na bagyong tumama sa Pilipinas sa nakalipas na tatlong taon ay kinabibilangan ng Super Typhoon Odette noong 2021, Typhoon Henry noong 2022, at Typhoon Jenny na nakaapekto sa hilagang bahagi ng Pilipinas noong Oktubre 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *