Halos dos pesos na rollback sa presyo ng mga oil products, ipatutupad simula bukas

Simula bukas, araw ng Martes ay epektibo na ang bagong round ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa abiso ng mga oil companies, may bawas na P1.95 sa kada litro ng gasolina.

Rollback din na P1.90 kada litro ang ipatutupad sa diesel; habang may tapyas naman na P1.65 sa kada litro ng kerosene.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Epekitibo ang adjustment bukas, alas-sais ng umaga sa Pilipinas Shell, PetroGazz, FlyingV, Petron, Phoenix, Jetti, PTT Philippines, at SeaOil; Habang hatinggabi naman bukas sa Caltex Philippines; at alas-otso sa CleanFuel Philippines.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ito na ang ikatlong linggong sunod na rollback sa gasolina, habang ika-pitong na linggo naman na rollback sa diesel at kerosene.

Bago ito, una nang sinabi ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau na posibleng magtuluy-tuloy pa hanggang sa pagtatapos ng taon mga ipatutupad na rollback dahil sa pagbaba ng demand ng langis sa pandaigdigang merkado.
#