Halos isang libong PDLs, malaya nang ipagdiriwang ang Kapaskuhan

Halos isang libong persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t-ibang prison ang penal farm sa bansa ang malaya nang maipagdidiwang ang kapaskuhan matapos palayain ng Bureau of Corrections.

Ayon sa BuCor, umabot na sa kabuuang 11,000 ang bilang ng released PDLs mula nang maupo sa pwesto si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr, nagmula ang mga pinalayang PDL sa iba’t ibang prison at penal farm ng BuCor na kinabibilangan ng mga acquitted o napawalang sala, nakapagsilbi ng kanilang sentensya at nabigyan ng parol.

Sinabi niya na ang BuCor ay nakikipagtulungan din sa Board of Pardons at Parole para mapabilis ang pagpapalabas ng iba pang PDLs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *