National

Halos kalahati ng 159 smuggling cases na isinampa ng BOC at DA, nabasura ng DOJ

Ibinunyag ng Department of Justice na halos kalahati  ng mga inihaing smuggling cases ng Bureau of Customs at Department of Agriculture mula 2016 hanggang February 2023 ang nabasura.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang Anti-Agricultural Smuggling Courts Act, sinabi ni State Counsel III Florina Agtarap, na batay sa datos ng National Prosecution Service, 159 na kaso ang  kanilang natanggap.

Sa naturang bilang,  76 o 48%  nito ay binasura ng DOJ dahil sa lack of probable cause, samantalang siyam lamang ang umusad sa korte.

Hindi naman binanggit ng DOJ kung sino-sino  ang siyam ng smuggler na kinasuhan sa korte kaya’t hiniling ni Senator Francis Tolentino, chair ng Senate committee on justice and human rights, ang listahan ng mga nakasuhan.

Sinabi naman ni Agtarap sa komite na inatasan na ng DOJ ang mga prosecutor na makipagtulungan sa mga law enforcement agency, kabilang ang BOC, para gabayan sila sa paghahain ng kaso.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

19 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

19 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

19 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

19 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

19 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

20 hours ago