Halos kalahating milyong halaga ng shabu – nasabat sa Pasig

Himas-rehas na ang isang 25-anyos na lalaki matapos kumagat sa buy-bust operation sa Pasig City.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), nakabili ng P50,000 na halaga ng shabu ang kanilang poseur buyer mula sa suspek.

Nang magkaabutan na ay dito na inaresto ng mga otoridad ang suspek.

Maliban sa nabiling droga, nakuha pa mula sa kaniyang pag-iingat ang humigit-kumulang 70 gramo ng suspected shabu na may tinatayang halaga na aabot ng P476,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, ‘o ‘yung Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *