Halos limang libong mga pamilya, apektado ng pagyanig ng lindol sa Abra

Tinatayang aabot sa halos limang libong mga pamilya ang kabuoang bilang ng mga na-apektuhan ng pagyanig ng magnutide 7 na lindol kahapon.

Sa press briefing ngayong umaga, iniulat ni Civil Defense Deputy Administrator for Operations, Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro na 4,969 na pamilya o katumbas ng 20,091 na indibidwal sa 110 barangay sa Regions 1 at sa CAR ang apektado.

131 naman ang kabuoang bilang ng mga nasugatan sa pagyanig.

Bago ito, una nang nilinaw ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na ibinaba sa apat ang bilang ng fatalities matapos ma-beripikang walang nasawi sa Gattaran, Cagayan.

Sa apat na bilang ng mga namatay, dalawa ang mula sa Benguet, is sa Bangued, Abra; at isa mula sa Kalinga.

Aabot naman sa P33.8Million ang pinsala sa imprastraktura sa Ilocos Region.

Samantala, sinabi ni Department of National Defense OIC Jose Faustino na aaabot pa sa 2,312 pamilya o katumbas ng 8,314 individuals ang mga nananaili sa 31 evacuation centers.

413 families ang mga nasa labas ng evacuation centers, o katumbas ng 1,657 na mga indibidwal.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *