Top Stories

Halos limang libong mga pamilya, apektado ng pagyanig ng lindol sa Abra

Tinatayang aabot sa halos limang libong mga pamilya ang kabuoang bilang ng mga na-apektuhan ng pagyanig ng magnutide 7 na lindol kahapon.

Sa press briefing ngayong umaga, iniulat ni Civil Defense Deputy Administrator for Operations, Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro na 4,969 na pamilya o katumbas ng 20,091 na indibidwal sa 110 barangay sa Regions 1 at sa CAR ang apektado.

131 naman ang kabuoang bilang ng mga nasugatan sa pagyanig.

Bago ito, una nang nilinaw ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na ibinaba sa apat ang bilang ng fatalities matapos ma-beripikang walang nasawi sa Gattaran, Cagayan.

Sa apat na bilang ng mga namatay, dalawa ang mula sa Benguet, is sa Bangued, Abra; at isa mula sa Kalinga.

Aabot naman sa P33.8Million ang pinsala sa imprastraktura sa Ilocos Region.

Samantala, sinabi ni Department of National Defense OIC Jose Faustino na aaabot pa sa 2,312 pamilya o katumbas ng 8,314 individuals ang mga nananaili sa 31 evacuation centers.

413 families ang mga nasa labas ng evacuation centers, o katumbas ng 1,657 na mga indibidwal.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Pilipinas, target maging number 1 exporter ng niyog

Balak palitan ng Pilipinas ang Indonesia bilang number 1 exporter ng coconut o niyog sa…

2 mins ago

“Briefer” ng DOJ kay PBBM tungkol sa muling pagsapi ng bansa sa ICC, patunay umano na hindi sarado ang isip ng Malacañang

Hindi magiging imposibleng bumalik ang Pilipinas sa Rome Statute ilang taon matapos pangunahan ng administrasyong…

7 mins ago

Grupo ng mga health workers – tuloy sa apelang ibigay na ang kanilang mga health emergency allowance

Marami pa ring mga health workers ang hindi nabibigyan ng kanilang health emergency allowance (HEA).…

20 mins ago

NCRPO, maagang nagbabala sa mga raliyistang magsusunog ng protest materials kasabay ng ikatlong SONA ni PBBM

Maagang nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga raliyistang magsusunog ng effigy…

34 mins ago

Barangay, SK elections – gusto ulit ipagpaliban

Isinusulong ni Camarines Sur Second District Representative LRay Villafuerte ang isang panukalang batas na layong…

53 mins ago

Chinese warship at dalawang iba pang barko naispatan sa Balikatan sa Batanes

Naispatan ng PCG ang Chinese waship at dalawang barko mula Beijing sa kasagsagan ng bilateral…

1 hour ago