Halos P500k, nakolekta ng SSS Legazpi sa RACE programs ngayong taon

LEGAZPI CITY – Aabot sa kalahating milyumpiso o PHP500,000 na halaga ang nakolekta ng Social Security System (SSS) Legazpi CIty Branch sa kanilang mga isinagawang Relief Afforded to Challenged Employers (RACE) program ngayong taon.

Ayon kay SSS Legazpi Public Information Officer, Jeanette Mapa, ito ay mula sa 3 race programs na kanilang isinagawa mula noong Enero hanggang Oktubre ngayong taon kung saan umabot sa 20 mga employer ang kanilang nabisita na mayroong 381 na mga empleyadong nabenepisyuhan.

Dahil dito, binigyan-diin ni Mapa na epektibo ang programa upang matugunan ang mga problema ng mga empleyado na hindi nahuhulugan nang tama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *