Halos P7M na halaga ng suspected shabu – narekober sa isang ex-convict sa Cebu

Balik-kulungan ang isang ex-convict matapos makuha mula sa kanyang posisyon ang P6.8 million na halaga ng suspected shabu sa ginawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Mabolo, Cebu City.

Ang suspek ay kinilalang si Harold Domen Yu, alyas “Jono” 41 taong gulang na taga La Carlotta, Negros Occidental.

Base sa imbestigayon ng Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office-Central Visayas, si Yu ay makakapag-dispose ng isa hanggang dalawang kilo ng shabu bawat linggo at kinilalang isang high value individual ng mga otoridad.

Napag-alaman rin ng pulisya na kasosyo ni Yu sa negosyo ng iligal na droga ang kanyang kapatid na nasa Negros Occidental.

Si Yu ay dati ng naaresto at hinatulan na noong 2011 sa Branch 30 ng Regional Trial Court Dumaguete City dahil pa rin sa pagkaka-ugnay nito sa illegal drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *