Halos P800-M, naipamahagi na ng LTFRB para sa fuel subsidy

Tinatayang aabot na sa P800M ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ipamigay sa mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program (FSP).

Sa nasabing halaga may 74,089 public utility vehicle (PUV) units na ang nabigyan ng financial assistance.

Ayon sa LTFRB, mayroong 121,979 operator mga kwalipikadong benepisyaryo sa programa kung saan pa tuloy pa rin silang namamahagi ng fuel subsidies sa mga driver at operators ng mga pampublikong sasakyan.

Kung maalala, naghihimutok na ang ilang tsuper at operator na kasapi ng PASANG MASDA dahil usad pagong na pagproceso ng Land Bank sa kanilang mga hawak na cards na hindi pa rin nalalamnan ng hindihintay na subsidy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *