Halos tres-pesos na umento sa presyo gasolina – epektibo na bukas

Simula bukas ay epektibo na ang ika-apat na round ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng oil companies, magtataas ng P2.80 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding umento na P1.30 sa kada litro ng diesel; habang P0.45 naman ang idaragdag sa kada litro ng kerosene.

Sa pagpasok ng taong 2024 – ito na ang ika-apat na linggong sunud-sunod na mga oil price hikes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *