Harana Festival sa bayan ng San Jose , Camarines Sur kasado na ngayong Pebrero

CAMARINES SUR – Kasado na ngayong darating na ika-15 hanggang 17 ng Pebrero ang Harana Festival sa San Jose , Camarines Sur . Nakasentro ang tema ngayong taon sa HARANA FESTIVAL 2024: Sararo, Sarabay sa Agyat kan Buhay.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Sonny Malate, ang Tourism Operation Officer ng nasabing bayan, sinabi nitong nakalatag na ang mga aktibidad kaugnay ng tatlong araw na pagdiriwang. Kung saan kabilang ang District-wide Chorale Competition, Bikol Song Writing and Singing Competition, Float parade and competition at ang pinakabagong Harana-Rap presentation, at iba pa.

Ayon kay Malate, marami pa ang dapat abangang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Harana Festival 2024, kabilang na kung sino ang magtatanghal na guest performer sa naturang bayan.

Ang Harana Festival ay unang pinagdiwang sa nasabing bayan taong 2003, natigil taong 2010 at muling nagbalik nitong nakaraang taon kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso at National Arts Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *