Hawks nagtala ng comeback win vs 76ers sa Game 5 ng East semis

Binura ng Atlanta Hawks ang 24 puntos na lamang ng Philadelphia 76ers para agawin ang Game 5 ng Eastern Conference semi-final series na nagtapos sa 109-106.

Sa unang tatlong quarter ng laro ay tila kontrolado pa ng 76ers ang laban subalit nag-iba ang tiyempo nang magsimula ang huling yugto.

Unang uminit si Lou Willliams na nagtala ng 13 points sa 4th quarter mula sa kabuoang 15 puntos.

Itinuloy naman ito ni Trae Young na humakot nga kabuoang 39 points kasama na ang huling limang free throws para sa Atlanta.

May pagkakataon pa sanang pababain sa 1 punto ang lamang ng Hawks subalit nagmintis ang free throw ni Joel Embiid sa huling 10.9 seconds ng alaban.

Humakot si Embiid ng 37 points at 13 rebounds.

Maganda din ang nilaro ni Seth Curry na nagtala ng play-off high 36 points.

Sa Sabado mahaharap sa do-or-die game ang 76ers sa home court ng Atlanta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *