Hazard pay sa govt workers na physically pumapasok sa trabaho sa MECQ period, aprubado na Duterte

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng hazard pay para sa lahat ng government workers na physically nagrereport sa kanilang mga trabaho sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) period mula April 12 hanggang sa May 14 o May 31.

Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, inamyendahan ni Duterte ang AO 26 na nagbibigay lang ng hazard pay sa mga manggagawa ng gobyerno na required na physically nagrereport sa site para sa kanilang trabaho sa loob ng ECQ period.

Nakasaad sa AO 43 na ang budget para sa hazard pay para sa local government unit (LGU) workers ay magmumula sa 2021 local government funds, habang ang para sa government-owned and controlled corporations, ay popondohan ng bawat GOCC’s corporate operating budget para sa 2021.

Sakali namang kulang ang kani-kanilang pondo, ang LGUs at GOCCs ay pinapayagan na bawasan ang ideal amount na P500 per day, pero mananatiling mandated na magbigay ng uniform amount ng hazard pay para sa lahat ng kwalipikadong personnel, kabilang na ang mga nasa contractual at job order status. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *