Head ng security agency ng Brigada Group of Companies, patay matapos pagbabarilin

Patay ang isang empleyado ng security agency na pagmamay-ari ng Brigada Group of Companies matapos pagbabarilin sa Purok 5, Intake, Barangay Mabuhay, General Santos City, dakong alas 6:00 ng gabi (Miyerkules).

Nakilala ang biktima na si Demar Santos, 37 anyos, manager ng Global Dynamic Security Agency sa ilalim ng Brigada Group at residente naman ng Purok Kaunlaran, Barangay San Isidro.

Batay sa report, nakasakay sa isang Strada pick-up ang biktima habang binabaybay ang nasabing lugar nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang mga salarin, na agad namang ikinasawi nito.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ang motibo sa pamamaslang.

Matatandaang, pinagbabaril-patay din ang chief of staff ng Brigada Group na si Yentez Quintoy noong June 4, 2021 habang pauwi ito sa kanilang pamamahay upang mananghalian.

Agad namang nahuli ang umano’y suspek na pinangalanan ng Gensan PNP bilang si Ralph Sorabia alyas Raprap, 27 anyos na residente ng Waling Waling Sagun Vincenzo, Zamboanga del Norte, na empleyado ng Global Dynamic Security Agency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *