Local News

Headline inflation sa Camarines Norte bahagyang bumagal sa antas na 9.3 % noong Pebrero

CAMARINES NORTE- Bahagyang bumagal ang headline inflation o pagtaas ng  presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Pebrero.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bahagyang bumaba ang inflation sa antas na 9. 3 % kumpara sa 9.5 % noong Enero.

Gayunman, masyado pa rin itong mataas kumpara sa 2. 3 % sa kaparehong panahon noong isang taon.

Pinakamataas din ito sa loob ng limang taon o mula 2019.

Ang mahal na presyo pa rin sa restaurants and accommodation services ang pinaka humila sa mataas pa ring inflation.

Nananatiling mahal rin ang renta sa bahay, bayad sa tubig, kuryente at petrolyo.

Nag ambag rin sa mataas na inflation ang mahal na presyo ng pagkain, furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, Alcoholic Beverages and Tobacco at mahal na gastos sa transportasyon.

Sa buong Bicol Region ay bumilis pa sa antas na 8.8 % ang inflation kumpara sa 8.3 % noong Enero.

Ito rin ang pinakamataas sa loob ng limang taon.

Sa datos, makikitang mataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lahat ng probinsiya sa rehiyon.

Pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Sur na record high na 10. 4 % at pumapangalawa naman ang Camarines Norte.

Mataas din ang inflation sa Albay sa antas na 8. 5 %,  Masbate 7. 9 %,  Catanduanes 7. 4% at Sorsogon sa 6.4%.

Kapag mataas ang inflation ay lalong lumiliit ang halaga ng pera at kakailanganing gumastos ng mas malaki ng mga tao para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.

BNFM Daet

Recent Posts

Ilang supporters ni FPRRD, nagprotesta sa Senado upang pababain sa pwesto ang Pangulo

Hindi nagpahuli at tinapatan din ng kilos-protesta ng ilang supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte…

30 mins ago

Rep. Romulo: School days ng mga learners – dapat araling mabuti

Nakatakdang makipagpulong ang House Committee on Basic Education sa Department of Education (DepEd) upang matukoy…

45 mins ago

Pag-adjust ng mall hours upang maibsan ang trapiko sa Metro Manila, tatalakayin ng MMC

Nangako si San Juan City Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora na…

57 mins ago

Dul-an 300k kantidad sa shabu, nakumpiska sulod sa 24 oras ka managlahing illegal drug operations-DCPO

Nakumpiska sa mga sakop sa Davao City Police Office (DCPO) ang dul-an Php300,000 kantidad sa…

60 mins ago

Senator Win Gatchalian, pinaimbestigahan ang bigas na kanya umanong ayuda na hindi mapakinabangan

Pinaimbestigahan ni Senator Win Gatchalian ang mababang kalidad na bigas na naibigay sa mga residenteng…

1 hour ago

Isa patay sa Pertussis sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- 12 na ang kaso ng pertussis sa Camarines Sur ang isa rito ay…

1 hour ago