Health expert, denepensahan ang proposal na payagan ang mga bata, outdoors

Depensahan ng isang health expert ang rekomendasyon na payagan ang mga bata na may edad limang taon gulang pataas na makalabas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ.

Ayon ka y Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng Department of Health’s Technical Advisory Group, na ang naturang hakbang ay mula sa iba’t-ibang sektor.

Paliwanag ni Ong-Lim, may ilang concerns ang iba’t-ibang child advocates na dahil sa prolonged nature ng quarantine restrictions na nagbawal sa mga bata na makalabas, ang epekto nito mula sa kanilang emotional, physical at social development ay naging ‘very substantial’ na umano.

Sa gitna nito, hinimok ni Ong-Lim ang mga magulang at guardians na tiyaking matutukan ang mga bata at siguraduhing masusunod ang minimum health protocols, upang maiwasan na maging carriers sila ng coronavirus.

Giit nito, ang mga bata ay prone na humawak sa kanilang mukha, dahilan para maging vulnerable sila sa transmission. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *