Health workers, iba pang sektor na nanguna sa COVID response, kinilala ni PBBM

Kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga taong nasa likod ng

pag-manufacture at pag-administer ng COVID-19 vaccines para maibalik ang lipunan sa normal.

Kaugnay nito, hinimok ni Marcos ang mga Pilipino na kilalanin ang mga scientists, manufacturers, at healthcare workers na naglaan ng kanilang buhay para madiskubre at mapag-aralan ang mga bakuna, at maalagaan ang mga taong tinamaan ng virus.

Bilang pagkilala sa mga ginawa ng naturang mga sektor, inabisuhan nito ang mga Pilipino na magpabakuna na.

Samantala, nilinaw ng pangulo na ang gobyerno ay may science-based strategies at whole-of-society approach para pangasiwaan ang sistema sa bakuna, sa harap ng pag-aalala ng publiko na nais tumanggap ng COVID-19 jabs. //SMM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *