Health workers na nagbantay noong araw ng eleksyon isinasailalim sa COVID- 19 testing

CAMARINES NORTE- Patuloy ang ginagawang surveillance test sa hanay ng mga health workers upang masigurong ligtas ang mga ito sa COVID- 19.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na batay sa mga dumating na resulta nitong linggo, mahigit 40 mga health workers sa Camarines Norte ang nag negatibo sa sakit.

Ang mga isinasailalim sa surveillance test ay ang mga health workers na nagsilbing taga- check ng body temperature at sintomas ng mga taong nagtungo sa mga voting center.

Mahalaga umano ito upang masigurong ang mga nagbibigay ng medikal na serbisyo ay hindi carrier ng sakit na posibleng maging dahilan pa ng hawaan.

Bagamat hindi kasali sa surveillance test ang mga gurong nagsilbing Electoral Board ay maaari naman umano itong i- request ng Deped kung nanaisin.

Matatandan na noon pang nakaraang buwan ay nagsagawa na ng surveillance test sa mga health workers at empleado ng ospital at RHU kung saan nag negatibo sa sakit ang mahigit isang daan sa mga ito.

Samantala, posible umanong malaman sa loob ng dalawang linggo kung magiging dahilan nga ng hawaan ng sakit ang nakalipas na mga pagtitipong pampulitikal.

Isang linggo kasi pagkatapos ng halalan ay wala pang naitatalang nagpositibo sa COVID- 19 sa lalawigan na maiiugnay dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *