Healthcare utilization rate sa Camarines Norte bumaba pa sa 9.7 %

CAMARINES NORTE- Bumaba pa ang bilang ng mga naoospital dahil sa COVID- 19 batay sa pinakabagong datos ng Department of Health.

Nakapagtala ang Camarines Norte ng 9. 7 % healthcare utilization rate kumpara sa 10. 2 % sa kaparehong panahon noong isang linggo.

Sa 165 beds na inilaan ng probinsiya para sa mga COVID patients nasa 16 lang dito ang nagamit.

Nasa low risk naman ang isolation beds na mayroong 12. 1 % utilization, Covid ward beds na may 7. 2 % utilization rate habang wala namang naitalang pagamit sa ICU at mechanical ventilators.

Simula naman bukas Pebrero 16  hanggang Pebrero 28 ay balik sa Alert Level 2 mula sa Alert Level 3 ang Camarines Norte.

Maliban sa Camarines Norte ay nasa Alert Level 2 rin ang iba pang lalawigan sa Bicol.

Batay ito sa ipinalabas na advisory ng Inter-Agency Task Force (IATF) kahapon, Pebrero 14, 2022, kaugnay ng COVID-19.

Samantala, umabot naman sa 107 ang kabuuang bilang ng mga nasawi  sa  Bicol region dahil sa COVID- 19 mula January 1, 2022 hanggang February 13, 2022.

Sa bilang na ito 84 ang walang bakuna o 78. 5 % habang ang mga namatay naman na bakunado ay nasa 23 o 21. 49 %.

Ayon sa DOH kung pagbabasehan ang datos ay masasabing epektibo ang bakuna dahil nababawasan nito ang panganib ng pagkamatay.

Kaya na naman hinihimok ng ahensiya ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na kontra COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *