Healthcare utilization rate sa Camarines Norte ibinaba na sa low risk level

CAMARINES NORTE- Hindi na gaanong punuan ang mga ospital sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa COVID- 19.

Batay sa Healthcare utilization rate update ng Department of Health (DOH) nitong Martes, nasa low risk level na ang bed components sa lalawigan.

Sa 169 beds na inilaan ng probinsiya para sa Covid, ay mayroon ito ngayong available na 90 o katumbas ng 46. 7 % utilization.

Nasa 49. 5 % naman ang naitalang pagamit sa isolation beds, 43. 8 % sa Covid ward beds at 33. 3 % sa ICU beds.

Habang walang naitalang pagamit sa mechanical ventilators.

Pero paalala ng DOH na hindi ito nangangahulugan na maging kampante na.

Dapat pa rin umanong palaging isaisip ang pagsunod sa health protocols kontra COVID- 19.

Batay sa datos lomobo ng husto ang mga naitalang kaso ng sakit sa probinsiya noong Setyembre na mayroong 907 kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *