Healthcare waste treatment facility ng So.Cot, limitado pa rin sa mga basura mula sa lalawigan

KORONADAL CITY- LIMITADO pa rin sa mga health facilities sa lalawigan ng South Cotabato ang Healthcare Waste Treatment Facility ng provincial government na makikita sa Barangay Tinongcop, Tantangan.

Ayon kay Provincial Environment Management Officer (PEMO) Seigfred Flaviano na kulang pa ang machine ng lalawigan na nagpoproseso sa mga hospital at hazardous waste dahilan kung bakit hindi pa ito tumatanggap ng mga basura mula sa ibang lugar sa kabila ng request ng mga ito katulad ng General Santos City, Saranggani, Kidapawan at Tacurong City.

Inihayag ni Flaviano na kung gustong gawing economic enterprise ang naturang pasilidad, kailangang dagdagan ang machine.

Sa ngayon, nasa 28 mga ospital, clinics, laboratories, dialysis centers at iba pang health facilities sa South Cotabato ang siniserbisyuhan ng treatment facility.

Kabilang sa mga basurang dinadala at isinasailalim sa treatment ang syringe, surgical gloves, surgical mask at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *