Healthguard qr code ng Quirino Province, malaking tulong sa pagpapabilis ng contact tracing

Malaki umano ang naitulong ng Healthguard QR Code sa Quirino Province para sa mabilis na pagtukoy ng close contacts ng mga nagpositibo sa COVID -19.

Ito ang inihayag ni Quirino Province Governor Dakila “Dax” Cua sa isinagawang tipon tipan ng PIA Quirino.

Aniya, dahil sa naturang application ay napabilis ang kanilang contact tracing dahil natutukoy umano rito ang pangalan ng tao, oras, lugar at contact information.

Kaugnay dito, nagsisilbi aniya itong recording system upang mapabilis ang pag-trace ng mga contact tracers.

Nilinaw namn ng gobernador na bagaman malaki ang tulong ng nasabing application ay kinakailangan pa rin ang mga contact tracers na siyang tatawag sa mga close contact ng nagpositibong pasyente na naitala rito.

Magugunita na inilunsad ng probinsya ang healthguard QR code nang kasagsagan ng pagdami ng COVID-19 cases kung saan layunin nitong makabuo ng analytics data sa mga ahensya para sa pagbibigay ng health services at pagpapabilis ng contact tracing.

Samantala, pinasalamatan naman ng gobernador ang vaccination team ng lalawigan dahil isa umano ang Quirino Province sa may pinakamaayos na implementasyon ng vaccination roll-out.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *