Heat index sa Naga City at Camarines Sur, posibleng umabot sa 42°c sa mga susunod na araw

NAGA CITY- Kahit na nga may mga paminsan-minsang mahinang pag-uulan sa Naga City at Camarines Sur, posible pa ring umabot sa 42°c ang heat index na maaring maramdaman ng mga tao sa mga susunod na araw.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Weatherman Mike Padua. Aniya, normal pa naman ang panahon sa ngayon ngunit sa pagtatapos ng Marso at pagpasok ng Abril at Mayo, mas lalo pang iinit ang temperatura sa probinsya. May nakikita man itong namumuong Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng bansa ngunit inaasahan na matutunaw agad ito.

Dagdag pa ni Padua, na pagpasok naman ng Mayo hanggang Hunyo, posibleng umabot ang heat index sa buong rehiyong Bicol mula 48°c hanggang 52°c.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *