Heaven Peralejo, nakapagtapos na ng kolehiyo

Nakapagtapos ng business degree ang aktres na si Heaven Peralejo sa Southville International School.

Sa Instagram post, ibinahagi nito ang kanyang litrato at video sa kanyang graduation.

Double celebration para kay Heaven dahil kasabay ito ng kanyang kaarawan.

Ayon kay Heaven, inuumpisahan nito ang kanyang 24 na taon sa mundo na isang degree holder.

Kilala ang aktres sa kanyang pagganap na si Luna Valeria – isang story adaptation mula sa Wattpad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *