Heaven Peralejo, pinangalanan bilang calendar girl

Inanunsiyo ng isang sikat na kumpanya ng inumin na ang kanilang bagong calendar girl ay ang aktres na si Heaven Peralejo.

Ito ang pasabog ng isang liquor brand sa kanilang grand launching kagabi sa isang hotel sa Mandaluyong.

Naniniwala ang brand sa kakayahan ni Heaven na makahakot ng impluwensiya sa mga nakababatang henerasyon.

Ayon kay Heaven, hinding-hindi nito bibiguin ang kumpanya at malaki ang pasasalamat nito sa pagpili sa kanya.

Tampok sa mga litrato ang iba’t ibang Kapistahan sa Pilipinas tulad na lamangng Penagbenga, Masskara, at maging ang Kadayawan Festival.

Ipinantapat si Heaven kay Julia Barreto, isang calendar girl din sa isa pang kumpanya ng alak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *