Hello Kitty House, ibinida ng isang netizen

Viral ngayon sa social media ang isang babaeng ibinida ang kanyang “Hello Kitty House.”

Kinilala ito bilang si Karen Momo Tuling, na ibinunyag na hilig niya na talaga ang cartoon character na Hello Kity kahit pa noong bata pa siya.

Ngunit nagpasya lamang siyang i-pursue ang kanyang collection noong 2016.

Makikita na kahit sa kusina ay punong-puno ng Hello Kitty ang kanyang mga gamit, pati na ang kanyang sahig.

Siya lang daw sa pamilya niya ang may hilig nito kaya nagpapaalam pa rin siya sa kanyang asawa’t anak kapag may gusto siyang bilhin at idagdag sa koleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *